Mayor Inday isasawalat na pasabog laban kay Alvarez ngayong araw

     6 months ago
27
Leave a Comment
5 SHARE

Davao City – Hinikayat ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang mga kongresista na magsalita na laban kay House Speaker Pantaleon Alvarez sa umanoy hindi mabuting ginagawa nito sa Mababang Kapulungan ng Kongreso lalo na sa pagmamalabis nito sa kanyang kapangyarihan bilang Speaker of the House.

Ito ang pahayag ni Mayor Inday, matapos ang sunod-sunod nito na pagbabatikos sa nasabing opisyal sa kanyang social media account.

Sinabi pa ng alkalde na mas mapabuti pa ang bansa kung hindi si Alvarez ang maging House Speaker at mas magiging malakas na lider naman si Pangulong Rodrigo Duterte kung hindi niya kasama sa pamamalakad ng bansa ang nasabing opisyal.

Marami na umano ang hindi nasasayahan sa kanyang pamamahala sa Kogreso.

Samantala, may malaking pasabog naman ang presidential daughter bukas hinggil sa umanoy dalawang tao na tinawagan ni Alvarez kung saan ang isa nga nito ay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go.

Hindi naman ito nagbigay pa karagdagang detalye ngunit sinabi na abangan ang ang rebelasyon nito laban sa House Speaker.

Source link

Post Comments