Mayor Sara kay Speaker Alvarez: ‘Kapal ng mukha mo’

     6 months ago
57
Leave a Comment
8 SHARE

DAVAO CITY – Tahasang tinawag ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte si House Speaker Pantaleon Alvarez na makapal ang mukha.

Sa kanyang Instagram account, inilabas ni Inday Sara ang kanyang galit laban sa House Speaker dahil tinawag siya umano nitong kabilang sa opposition.

“Kung asshole ka sa Congress, don’t bring that to Davao, leave it in Manila. Somebody should tell the President what you are doing. How dare you call me part of the opposition. Kapal ng mukha mo. You messed with the wrong girl.” Ano sabi mo in a crowd, “President iba siya, Speaker ako, I can always impeach him!” And you call me opposition? Somebody should really tell the President about the truth. Antay ka bukas, I have another story…” pahayag ni Mayor Inday sa kanyang IG account.

Kung maaalala, ilang beses ding pinuntirya ng presidential daughter gamit ang kanyang IG si Senator Antonio Trillanes.

Source link

Post Comments