Megamouth shark, natagpuang patay sa Negros Oriental

     2 months ago
24
Leave a Comment
11 SHARE

 

Patay na nang matagpuan ng mga residente sa baybayin ng Bayawan sa Negros Oriental ang isang pambihirang uri ng pating na Megamouth shark.

Agad namang ipinaalam ng mga residente sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at sa local government unit ang natagpuang patay na pating.

Nabatid na aabot sa labing dalawang talampakan ang haba ng pating at aabot sa mahigit tatlong daang kilo ang timbang.

Nabatid na ito ang kauna-unahang pagkakataon na may napadpad na patay na pating sa nabanggit na lugar.

Agad namang inilibing ang patay na pating sa pangambang magdulot pa ng sakit ang masansang amoy.

Source link

11 SHARE

Post Comments