Mga alahas at cellphone huwag nang dalhin sa traslacion ayon sa MPD

     7 months ago
22
1 Comment
5 SHARE

Nagpaalala si Manila Police District director Chief Superintendent Joel Coronel sa mga deboto ng Itim na Nazareno na huwag nang magsuot ng mga mamahaling alahas, maging ang pagdadala ng cellphone para sa isasagawang traslacion sa January 9.

Ani Coronel, takaw-nakaw lamang ang mga gamit na ito.

Aniya, kung hindi maiiwasan ang pagdadala ng bag ay maaaring gumamit na lamang ng transparent bag para maging madali para sa mga pulis na magsagawa ng inspeksyon sa mga dala ng deboto.

Hinimok rin ng hepe ng MPD na huwag nang isama ang mga anak na bata, lalo na ang mga sanggol sa traslacion.

Biyernes pa lamang ay mayroon nang naitalang 165,000 katao na pumunta sa Quirino Grandstand para sa pahalik sa Itim na Nazareno.

Inaasahan namang aabot sa 2 milyong deboto ang sasama sa traslacion sa January 9.

Source link

5 SHARE

Post Comments