Mga amo na suspek sa pagpatay sa Pinay sa Kuwait, natunton na sa Lebanon

     2 months ago
90
Leave a Comment
155 SHARE

ILOILO CITY – Natunton na ng mga otoridad sa Kuwait ang mag-asawang amo ng pinatay na OFW na si Joanna Daniela Dimafelis ng Brgy. Ferraris, Sara, Iloilo.

Ayon kay Bombo Radyo international correspondent Liberty Virtudes, tiniyak ng mga otoridad sa Kuwait na mahuhuli ang mga responsable sa pagpaslang kay Dimafelis.

Sa pinakahuling imbestigasyon umano ng mga otoridad sa Kuwait, natukoy na ang kinaroroonan ng mag-asawa sa Lebanon.

Pangunahing suspek ang among lalaki na isang Lebanese dahil sa fingerprint nito na nakuha sa pinangyarihan ng krimen.

Samantala, iniimbestigahan na rin ayon kay Vertudes ang guwardiya ng apartment sa paniniwalang kasabwat ito.

Pero hindi rin umano ikinulong ang guwardiya dahil ipinagtatanggol din ito ng kaniyang employer.

Source link

Post Comments