Mga human rights victims, nag-alay ng bulaklak at kandila sa Mendiola

     6 months ago
20
Leave a Comment
15 SHARE

 

Kasabay ng EDSA People Power celebration, nagtungo naman sa Mendiola ang ilang mga militanteng grupo at mga biktima ng human rights violations sa ilalim ng rehimeng Marcos.

Sa naturang tulay nag-alay ng dasal, bulaklak at kandila ang mga ito para sa mga libu-libong namatay at nawawala pa ring mga biktima ng martial law.

Kabilang sa mga dumalo sa okasyon si dating Social Welfare Secretary at Bayan Muna representative Satur Ocampo.

Ang dalawa ay ilan lamang sa mga personal na nakaranas ng torture sa ilalim ng batas militar noong panahon ng diktaturyang Marcos.

Giit ng dalawa, hindi dapat kinakalimutan ng sambayanan ang mga nasawi at nawawala sa ilalim ng martial law dahil ang mga ito ang naghirap upang maibalik ang kalayaan na tinatamasa ngayon ng mga Pilipino.

Naniniwala rin si Taguiwalo na dapat tutulan ng mamamayan ang pagkakaroon ng Charter change dahil maghuhudyat lamang ito ng muling panunumbalik ng pang-aabuso at pagmamanipula sa Saligang Batas.

Matatandaang nang maupo si Pangulong Duterte, nagsilbing Social Welfare Secretary ng administrasyon si Taguiwalo.

Gayunman, hindi naipagpatuloy ni Taguiwalo ang kanyang trabaho makaraang mabigo itong makalusot sa Commission on Appointments o CA.

Source link

15 SHARE

Post Comments