Mga kapwa senador pinakiusapan ni Gatchalian na ipasa ang sim registration bill.

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Hinihikayat na ni Senator Win Gatchalian ang mga kapwa senador na gawin prayoridad ang pagpasa sa SIM Card Registration Bill.

Ginawa ni Gatchalian ang pakiusap matapos makalusot na sa Kamara ang sariling bersyon nila ng naturang panukala.

Tiwala naman ito na makakalusot ang panukala dahil may pito pang bersyon nito ang isinumite ng siyam na mga senador at ang mga ito ay nakabinbin na lang sa Committess on Public Services at Trade.

Ang panukala ang isa sa mga priority bills ni Gatchalian at dito ay kinakailangan na magprisinta ng valid photo ID ang bibili ng mga prepaid SIM cards para mairehistro sa kanila ang SIM ng cellphone.

Ang mga kasalukuyang prepaid users naman ay kinakailangan din iparehistro ang kanilang gamit na cellphone numbers sa ilalim ng kanilang pangalan sa loob ng anim na buwan simula nang maging ganap na batas ang panukala.

Kapag sila ay nabigo, ide-deactivate na ang kanilang numero.

Source link

0 SHARE

Post Comments