Mga kumpanya ng langis may big time rollback sa Martes

     6 months ago
18
Leave a Comment
14 SHARE

Makaraan ang pitong sunud-sunod na pagtataas ng kanilang produktong petrolyo ay magpapatupad naman ng big time rollback ang mga oil companies sa papasok na linggo.

Sa anunsiyo na inilabas ng Department of Energy, inaasahang aabot mula P1.25 hanggang P1.45 kada litro ang rollback sa diesel.

Aabot naman sa pagotan ng P1.10 hanggang P1.20 sa bawat litro ng gasolina samantalang P0.90 naman sa kada litro ng kerosene o gaas.

Sinasabing may kaugnayan pa rin sa galawa ng presyo ng produktong petrolyo sa world market ang magaganap na rollback na inaasahan sa araw ng Martes.

Wala namang inaasahang paggalaw sa halaga ng cooking gas at auto LPG sa susunod na linggo.

Samantala, mula noong January 1 hanggang February 6 ay umaabot na sa P5.90 kada litro ang itinaas sa halaga ng diesel at P5.12 bawat litro sa gasolina kaugnay sa pagpapatupad sa bansa ng dagdag na excise tax sa petroleum products.

Source link

14 SHARE

Post Comments