Mga magulang ang nakikiusap sa amin na ipa-autopsy ang kanilang anak, ‘di kami – PAO

     6 months ago
21
Leave a Comment
5 SHARE

Nagmatigas ang Public Attorney’s Office sa mga panawagang nagpapatigil sa mga isinasagawa nilang imbestigasyon sa pagkamatay sa sakit na dengue ng mga batang naturukan umano ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia.

Una rito, sinabi ni dating Department of Health Sec. Esperanza Cabral at ng kanyang grupong Doctors for Public Welfare (DPW) na dapat na umanong ihinto ng PAO ang kanilang pagsisiyasat sa mga nasabing kaso.

Ayon kay PAO chief Persida Acosta, nagsasagawa lamang sila ng mga forensic examination sa katawan ng mga bata sa kahilingan ng mga magulang.

“Ang nabanggit na eksaminasyon ay isinasagawa ng PAO Forensic Doctors batay sa HILING ng mga magulang na nais malaman ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng kanilang mga anak,” saad sa statement ni Acosta.

Paliwanag pa ni Acosta, ang mga magulang, hindi ang PAO Forensic Team, ang nakikiusap sa kanila na isailalim sa autopsy ang bangkay ng kanilang mga anak.

“Hindi kusang nagprisinta ang PAO forensic doctors na magbigay ng kanilang serbisyo; bagkus, sila ay pinakiusapan ng magulang ng mga bata,” pahayag pa ng PAO chief.

“Katunayan ito ng tiwala at pananalig nila sa ahensya. Mayroon ding credible at non-conflicted pathologists ang PAO upang makumpleto ang eksaminasyon ng mga tissues na kailangan sa forensic analysis.”

Magugunitang naglabas ng statement ang DPW na kung saan, hinihimok nito ang Department of Justice na tuluyan nang itigil ang pag-autopsy sa mga labi ng mga bata.

“It makes no sense for any more families to be subjected to the torture of having a loved one exhumed and cut up only to find out that no useful information was derived from the cruel act,” batay sa statement ng DPW.

Source link

Post Comments