Mga NPA isa ng ‘Enemy of the State’

     6 months ago
56
5 Comments
156 SHARE

Bukod sa kategor­yang terorista ay inihanay na ng gobyerno ang New People’s Army (NPA) sa mga itinuturing na ‘Enemy of the State.’

Sinabi kahapon ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na bunsod ito ng na­ging pahayag ng NPA na ibabagsak nila ang Duterte administration.

Ipinaliwanag ng kalihim na kapag ang isang organisadong grupo ay gustong pabagsakin ang isang lider na ibinoto ng tao ay malinaw na kalaban sila ng estado.

“Kung ang isang organized group ay gustong pabagsakin ang isang gobyerno, ay nangangahulugan na gusto nilang pabagsakin ang sambayanan at buong bansa. Now, the President is a duly elected President of the entire nation, ibinoto ho ng tao… kapag ito po ay pinabagsak ng isang organized group, eh ibig sabihin ay kalaban po iyong organized group – therefore, they are enemies of the state,” paliwanag ni Andanar.

Matindi ang galit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kilusang Komunista dahil sa pagiging traydor umano ng mga ito.

Ginawa nitong halimbawa ang pag-atake sa mga sundalo na tumutulong sa mga biktima ng bagyo at ang opensiba habang may umiiral na tigil-putukan, pati na rin ang pangha-harass sa mga sundalo sa kampo sa Compostela Valley habang may kalamidad.

Source

Post Comments