Mga opisyal ng PNP sa Metro Manila binalasa

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Nagpatupad ng panibagong balasahan sa matataas na opisyal ang Philippine National Police.

Sa kautusang inilabas ni National Capital Region Police Chief Supt. Guillermo Eleazar, epektibo ngayong araw ay manunungkulan na bilang Eastern Police District Director si Chief Supt. Alfredo Corpus.

Habang si Chief Supt. Reynaldo Biay naman na galing EPD ay ginawang Deputy Director ng Directorate for Intellligence sa national headquarters.

Manunungkulan naman bilang Acting Director ng Northern Police District si Chief Supt. Gerogorio Lim na pumalit kay Chief Supt. Clifton Empiso na itinalaga bilang deputy regional director for operations.

Ang kautusan ay inilabas ni Chief Supt. Arnel Escobal, acting Regional Chief Directorial Staff na inaprubahan naman ni Eleazar.

Source link

0 SHARE

Post Comments