Mga Pinoy na nagtatago sa UAE pinayuhan na samantalahin ang amnesty program

     1 month ago
5
Leave a Comment
0 SHARE

Hinihikayat ng Department of Foreign Affairs ang mga undocumented alien sa United Arab Emirates na samantalahin ang inaalok na amnesty program ng nasabing bansa.

Ginawa ito ni DFA Sec. Alan Peter Cayetano, kasabay ng pasasalamat sa UAE sa pagbibigay ng nasabing oportunidad sa nasa 30 libong Pinoy workers na itama ang kanilang immigration status o umuwi sa Pilipinas.

Ang nasabing amnesty ay tatagal ng tatlong buwan mula August 1 hanggang October 31, 2018.

Tiniyak naman ng kalihim na ang DFA kasama ang Department of Labor and Employment labor at iba pang ahensya ng pamahalaan ay handang tumulong sa mga gustong mag-avail sa programa ng UAE.

Ayon kay Cayetano, 10 libong Pinoy ang nasa hurisdiksyon ng Philippine Embassy  sa Abu Dhabi at 20,000 sa ilalim ng konsulada ng Dubai na kwalipikado sa amnesty.

Ayon naman kay Consul General Paul Raymond Cortez ng Dubai Consulate General, ang amnesty program ay iniaalok ng UAE sa lahat ng foreign national na lumalabag sa kanilang immigration law.

Ang mga mag-aavail sa amnestry program ay hindi pagbabayarin ng pamahalaan ng UAE ng penalty at hindi isasama sa blacklist ng mga dayuhan na hindi na puwedeng pumasok muli sa kanilang bansa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

0 SHARE

Post Comments