Mga pulis hinikayat na ipakita ang pagiging makabayan sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga katiwalian

     2 months ago
21
Leave a Comment
18 SHARE

Kasabay nang paggunita sa Araw ng Kalayaan, hinikayat ni Philippine National Police Chief Oscar Albayalde ang mga pulis sa kanilang hanay na ipakita ang pagiging makabayan sa pamamagitan ng pag iwas sa katiwalian.

Ito’y kasunod na rin ng kaliwat kanang operasyon kung saan nasasangkot sa iligal na droga, extortion at carnapping ang mga pulis. Pinakahuli nga dito ay ang pagkakasawi ni Senior Inspector Raymond Hortezuela na nalaban sa Counter Intelligence Task Force sa buy bust operation sa Mandaue City.

Ayon kay Albayalde, dapat ipakita ng mga pulis ang damdaming makabayan at malasakit sa kapwa at ang pinakambisang paraan para maipakita ito ay ang pagiging malinis at pagpatupad ng tapat sa kanilang sinumpaang trabaho.

Nagpaalala rin si Albayalde sa kanyang mga tauhan na sila ay kaakibat ng pamahalaan sa pagtataguyod ng kapayapaan at tagapagsulong din ng kaunlaran sa bayan.

Giit pa ng hepe ng opisyal, ‘to serve and protect’ ang motto ng PNP kung kaya’t sila dapat ang mangalaga sa mga tao at hindi dapat masangkot sa anumang mga krimen.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

18 SHARE

Post Comments