Mga pumatay kay Father Nilo tinutugis na ng PNP

     2 months ago
50
Leave a Comment
8 SHARE

Pinaghahanap na ngayon ng Philippine National Police ang dalawang persons of interest sa pagpatay kay Father Richmond Nilo nitong Linggo.

Sa pagbisita ni PNP Chief Oscar Albayalde sa Zaragosa Police Station sa Nueva Ecija ngayong tanghali, sinabi ni PRO 3 Regional Director Chief Supt Amador Corpuz na minamadali na nila ang pagresolba sa kaso kasunod na rin ng pagbuo nila ng Special Investigation Task Group.

Iprinisinta ni Corpus kay Albayalde ang CCTV footage na nakuha mula sa baranggay hall malapit sa kapilya kung saan nagmimisa si Fr. Nilo sa panahon na naganap ang krimen.

Kita sa CCTV Ang dalawang riding in tandem na patungo sa direksyon ng kapilya, at pabalik sa pinanggalinang direksyon makalipas ang ilang minuto, sa panahon na nabaril ang pari.

Ang dalawa na itinuturing na persons of interest ng PNP ay subject ngayon ng isang manhunt.

Source link

8 SHARE

Post Comments