Mga stakeholders nababahala kung isailalim sa ‘state of emergency’ ang Boracay

     2 months ago
11
Leave a Comment
0 SHARE

KALIBO, Aklan – Nagkukumahog ngayon ang mga stakeholders sa Boracay upang maisaayos sa lalong madaling panahon ang environmental problems sa isla.

Ito ay kasunod nang pahayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Assistant Secretary Epimaco Densing III na irerekomenda ng Technical Working Group na isailalim ang isla sa state of emergency dahil sa krisis.

Sa interview ng Bombo Radyo Kalibo, sinabi ni sanggunian bayan member at Boracay Foundation Incorporated (BFI) President Nenette Aguirre-Graf, unfair sa mga hotel at resort owners na sumusunod sa batas sakaling pansamantalang ipapasara ang isla.

Dagdag pa nito, ilan sa mga natukoy na establisyemento na lumabag sa environmental laws ay naka-comply na sa kanilang mga violations.

Bilyong piso aniya ang mawawala at marami ang magugutom at mawawalan ng trabaho kapag lubusang ipasara ang buong isla.

Sa ngayon nasa 37 pa lamang ang nabigyan ng notice of violations ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region 6 dahil sa kawalan ng wastewater treatment facilities at direktang itinatapon sa dagat ang kanilang dumi na isang paglabag sa Clean Water Act.

Source link

Post Comments