Mga ‘violators’ sa Boracay hindi palalagpasin – Cimatu

     5 months ago
23
Leave a Comment
3 SHARE

KALIBO, Aklan – Muling tiniyak ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Roy Cimatu na hindi palalampasin ang mga natukoy na violators sa isla ng Boracay na nasa listahan ng kanilang ahensiya.

Ayon kay Cimatu, kailangang magpakita ang mga ito ng kaukulang dokumento na nagpapatunay na legal ang kanilang kinatatayuan gayundin na walang nilalabag na batas para sa kalikasan.

Mahigpit daw na ipapatupad ang 15 days to comply.

Sakaling mabigo, ang adjudication board ng DENR ang magdedesisyon at ipapatupad ang naaayon sa batas.

Una na rito, personal na nagtungo kahapon si Cimatu sa isla kung saan sinamahan nito ang 120 na mga tauhan ng DENR na nagmula sa 12 mga DENR regional offices.

Ang mga ang bumubuo sa tinaguriang Save Boracay Mission ng ahensiya na tutulong sa rehabilitasyon at pagpreserba sa Boracay.

Magiging katuwang din ng task force ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.

Napag-alaman na sa pinakahuling data ng DENR, umaabot na sa 153 ang show cause orders na naisilbi sa mga violators mula sa kabuuang 842 illegal occupants sa forest lands.

Source link

Post Comments