Michael Martinez, nagpasalamat sa suportang natanggap sa 2018 Winter Olympics

     2 months ago
18
Leave a Comment
9 SHARE

Nagpasalamat ang Filipino figure skater na si Michael Martinez sa suportang kanyang natanggap sa kanyang paglahok sa 2018 Winter Olympics.

Sa larawang kanyang ipinost sa Instagram, sinabi ni Martinez na ‘proud’ siyang irepresenta ang Pilipinas sa ikalawang pagkakataon sa Winter Olympics.

Nagpasalamat siya sa suporta at panalangin na natanggap.

Bigo mang makapasok sa susunod na round ng kompetisyon ay ‘flawless’ ang naging performance ng atleta.

Nakapagtala siya ng component score na 29.52 at technical score na 26.04 na suma total ay 55.56.

Gayunman, hindi ito sumapat upang umabante siya sa kompetisyon kung saan pang 28 siya sa 30 atleta.

Ipinamalas ni Martinez ang kanyang galing sa saliw ng tugtog ni Vanessa-Mae na ‘Emerald Tiger’.

Source link

9 SHARE

Post Comments