Misis sinaksak ng sariling asawa sa Mandaluyong

     2 months ago
58
Leave a Comment
4 SHARE

Pinagsasaksak ng isang lalaki ang kanyang asawa gamit ang ice pick sa Mandaluyong City.

Ayon sa ulat ng Mandaluyong City police, bago ang insidente, nagkasagutan sina Herman Pang-itan at kanyang asawang si Nelia sa kanilang bahay kagabi.

Sumigaw si Nelia at nagising ang kanyang anak na si Christine.

Pagtingin ng anak ay doon na tumambad ang katawan ng kanyang ina na may ice pick.

Hinugot ni Christine ang ice pick sa katawan ni Nelia at agad na tumakas mula sa ama.

Tinangka ni Herman na sasakin uli ang asawa gamit ang isa namang screw driver pero napigilan ito ng kanyang anak.

Itinakbo sa ospital ang sugatang biktima habang nakadetine ang suspek na mahaharap sa kaso.

Source link

4 SHARE

Post Comments