Miyembro ng Ansar Al-Khilafa PH, arestado sa Sarangani

     2 months ago
12
Leave a Comment
28 SHARE

Arestado ang isang hinihinalang miyembro ng Islamic State-inspired group na Ansar Al-Khilafa Philippines sa Barangay Kanalo sa Maasim, Sarangani.

Kinilala ang suspek na si Urbano Abdullah, 43 taong gulang.

Ayon kay Police Region Office 12 information officer Chief Inspector Aldrin Gonzales, nagsagawa ng isang joint operation ang Sarangani Provincial Police at Maasim Municipal Police para maaresto si Abdullah, sa tulong na rin ng mga lokal na opisyal at mga kawani ng barangay.

Kinumpirma ng mga senior members ng iba’t ibang municipal peace and order councils sa Sarangani na isang key member si Abdullah ng Ansar Al-Khilafa Philippines. Sinasabing mala-ISIS ang operasyon ng nasabing grupo.

Dahil sa narekober na hindi lisensyadong kalibre 45 baril mula kay Abdullah ay mahaharap ito sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Source link

28 SHARE

Post Comments