Most wanted person sa Makati City naaresto na

     2 months ago
58
Leave a Comment
58 SHARE

Timbog ang tinaguriang most wanted person sa Makati City na sangkot sa ilang kaso ng panghoholdap at pagpatay.

Inaresto ng Makati Police Distrcit si Allein Hussein Sumadlayon, 27 taong gulang, dakong alas-3:00 ng madaling araw.

Nahuli ang suspek sa isinagawang Oplan Sita sa Bluevoz Street corner Milkweed Street sa Barangay Rizal, Makati City kung saan nakuha sa kanya ang isang Cal. 38 na baril at listahan ng mga bahay na kanyang target pasukin.

Si Sumadlayon ay nasa Top 2 rin ng most wanted person ng Southern Police District.

Siya ang suspek sa pagpatay sa call center agent sa lungsod noong July 2017.

Sa ginawang pagtatanong ng mga pulis ay inamin rin ng suspek na sangkot siya sa pagpatay sa dalawang dentist sa lungsod pero hindi naman daw niya sinasadya.

Source link

58 SHARE

Post Comments