MPD binigyan ng limang Mitsubishi Montero ng Japanese government

     7 months ago
22
Leave a Comment
3 SHARE

Tinanggap ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) ang limang units ng Mitsubishi Montero na bahagi ng 1,000 SUVs na donasyon ng Japanese government sa Philippine National Police (PNP).

Sa katatapos na flag raising ceremony, pinabendisyunan na rin ang limang sasakyan na ang apat ay ipamamahagi sa MPD Station 4, 5, 8 at 9.

Ayon kay PS/Insp. Albert Bucal, ang deputy spokesman ng MPD Public Information Office, bukod sa limang Montero ay may darating pang limang Toyota Innova sa MPD ngayong buwan ng Pebrero na bahagi rin ng donasyon ng pamahalaan ng Japan.

Sa Marso at Abril, inaasahang pagkakalooban naman ng PNP ng mga baril at body camera ang mga operatiba ng Manila police.

Ang mga sasakyan, armas at body camera ay gamit sa pinaigting na pagbabalik ng Oplan Tokhang ng pambansang pulisya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

3 SHARE

Post Comments