Nakikiramay buhos sa bahay ng pamilya Demafelis; kaanak nasa ‘state of shock’ pa rin

     2 months ago
23
Leave a Comment
1 SHARE

ILOILO CITY – Patuloy ang pagbuhos ngayon ng mga tao sa tahanan ng pamilya Demafiles sa Barangay Ferraris, Sara, Iloilo dahil sa pagdating sa labi ni Joanna Daniela Demafelis, ang Ilongga OFW na pinatay ng kaniyang amo sa Kuwait at isinilid sa freezer.

Halo-halo ang emosyon ng mga kababayan ni Joanna at nais masilayan ang mga labi nito upang tingnan kung nagbago ang mukha ng Pinay worker.

Sa tahanan ng mga Demafelis ay nagkalat ang mga larawan nito.

Sa bukana pa lamang ng bahay ay may nakapaskil nang malaking tarpaulin na may nakasulat na “Justice for Joanna Demafelis”.

Hanggang ngayon ay nasa state of shock pa rin ang pamilya Demafelis.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Josephine Demafelis Tupas, tiyahin ni Joanna, sinabi nito na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang kanilang pamilya lalo na ang mga magulang ng kanyang pamangkin sa sinapit ng kanilang mahal sa buhay.

Ayon dito, halos hindi makausap ang mga magulang ng Pinay domestic helper na sina Crisanto at Eva Demafelis dahil puro iyak lang ang ginawa ng mga ito mula nang malaman ang kalunos-lunos na sinapit ng kanilang anak

Labis naman ang pasasalamat ng pamilya Demafelis sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at kay Pangulong Rodrigo Duterte sa mabilis na pagproseso sa pagpapauwi ng bangkay ni Joanna sa Pilipinas.

Sa ngayon aniya, dasal nila ang hustisya sa sinapit ni Joanna at hiling na mahuli na ang mga employer nito.

Source link

Post Comments