National artist Napoleon Abueva pumanaw na, 88

     2 months ago
12
Leave a Comment
3 SHARE

Bumuhos ngayon ang pakikiramay sa pagkamatay ng national artist at ikinukonsiderang “Father of Philippine Sculpture” na si Napoleon Abueva sa edad na 88.

Agad nagpaabot ang Metropolitan Museum of Manila ng pakikidalamhati sa naiwang pamilya ng national artist.

Ayon naman sa National Commission for Culture and the Arts, si Abueva ang pinakabatang National Artist awardee sa Pilipinas sa edad na 46.

Kabilang sa mga sikat nitong obra ay ang Blood Compact monument sa Bohol, Transfiguration sculpture sa Eternal Gardens at ang sunburst sa kisame ng Peninsula lobby.

Kasama rin sa dinisenyo ni Abueva ang Bataan Memorial Cross kasama si Lorenzo del Castillo.

Si Abueva na kilala rin sa pangalang Billy ay ipinanganak noong Enero 26, 1930 sa Tagbilaran, Bohol.

Source link

Post Comments