Natutulog na pulis binaril ni misis patay sa Quezon City

     5 months ago
63
Leave a Comment
16 SHARE

Dead-on-the spot ang isang pulis ng Quezon City Police District Office (QCPD) makaraan itong barilin ng kanyang mismong misis.

Sa paunang imbestigasyon ay kinilala ni QCPD Station 6 Commander Supt. Jun Cejas ang biktima na si PO2 Angelo Capili, 36-anyos at nakatalaga sa QCPD Station 5 sa Fairview.

Ang suspek naman na naaresto rin ng mga pulis ay kinilalang si Ginang Josan Capili, 31-anyos at residente ng Pook Pag-Asa Brgy. Batasan Hills sa Quezon City.

Sinabi ng mga imbestigador na natutulog sa kanilang bahay kaninang tanghali ang nasabing biktima nang bigla siyang pagbabarilin ng kanyang misis.

Ginamit sa pamamaril ang mismong service firearm ng nasabing pulis na isang Glock 9mm pistol.

Kasalaukuyang nasa pangangalaga ng kanilang mga kaanak ang kanilang tatlong mga anak na pawang mga menor-de-edad.

Inaalam pa ng mga otoridad kung ano ang dahilan ng nasabing pamamaril sa biktimang pulis.

Source link

16 SHARE

Post Comments