NDFP, naghihintay lang ng panunumbalik ng peace talks

     6 months ago
24
Leave a Comment
62 SHARE

Laging handa ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na bumalik sa peace negotiations sa pamahalaan.

Ito ang sinabi ni Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison kaugnay ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na “committed to peace” pa rin ang pamahalaan.

Sa pahayag na ibinigay ni Sison sa Inquirer, sinabi niyang laging nakahanda ang NDFP na makipagnegosasyon muli sa gobyerno mula pa man nang magdesisyon ang pamahalaan na itigil ang peace talks.

Sa pakikipagpulong kasi niya kay Idun Tvedt na Norwegian special envoy para sa peace process sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at NDFP, sinabi ni Duterte na nananatiling “committed” ang pamahalaan sa pagkamit ng kapayapaan.

Nagpapasalamat naman si Sison sa ngalan ng NDFP sa Royal Norwegian Government para sa pagsisikap at pagtulong nito na pangasiwaan ang ang peace negotiations sa pagitan ng magkabilang panig.

Naniniwala din si Sison na marami nang na-achieve ang magkabiang panels sa loob ng apat na rounds ng formal talks, pati na sa mga naisakatuparan nila noong Oktubre at Nobyembre bilang paghahanda para sa ika-limang formal talks.

Maliban dito, naniniwala rin siyang mas madali at mas “economical” na isulong ang pangmatagalang kapayapaan sa pamamagitan ng negosasyon upang maresolbahan ang ugat ng mga armed conflict.

Sa ganitong paraan aniya ay makabubuo ng mga komprehensibong kasunduan kaugnay ng mga social, economic at political reforms, sa halip na dumipnende na lang sa pwersa ng militar at pagpapatupad ng ‘all out war policy.’

Source link

62 SHARE

Post Comments