New era sa Phl sports after 13-yrs: Peping, talo sa POC elections

     5 months ago
47
Leave a Comment
5 SHARE

Inihalal na bilang bagong pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC) si Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP) President Ricky Vargas kontra sa kontrobersiyal na si Jose “Peping” Cojuangco, Jr.

Sa re-election na isinagawa kaninang hapon sa  Wack Wack Golf and Country Club sa Mandaluyong City, nagwagi si Vargas sa botong 24-15 para matuldukan na ang 13 taong pamumuno ni Cojuangco sa POC.

Kaugnay nito, nagtagumpay din si cycling chief at Tagaytay City Rep. Bambol Tolentino na makuha ang chairmanship ng komite matapos nitong talunin si Ting Ledesma ng table tennis sa botong 23-15.

Ito na ang pangalawang attempt nina Vargas at Tolentino na tumakbo sa POC elections kung saan naganap ang kanilang unang disqualification noong 2016 dahil kinikuwestyon ang kanilang membership sa organisasyon ni Cojuangco.

Ang nasabing isyu ay umabot pa sa korte upang kuwestiyunin ang legalidad sa kanilang disqualification.

New POC chair Rep. Abraham Tolentino, POC Pres. Victorico Vargas flashed the victory sign

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Monico “Newks” Puentevella, dating POC chairman at kasalukuyang presidente ng Philippine Weightlifting Association, tinawag niya na “new era” sa Philippine sports ang pagkatalo ni Cojuangco.

Aniya, matagal na rin sa puwesto si Cojuangco na kanya ring kaibigan pero sinuportahan si Vargas,  marapat lamang daw na bigyan din nang pagkakataon ang ibang lider para mamuno sa sports.

Kung maaalala si Cojuangco, 83, na dati ring naging congressman ng Tarlac, ay naging kontrobersiyal dahil sa ilang beses na ring naharap sa mga protesta sa ilang sports leaders sa bansa at mga atleta dahil sa matagal nang pamamahala sa Philippine sports.

Marami ang naniniwala na sa ilalim ng liderato ni Peping, imbes na umangat ang Pilipinas sa mundo ng isports, lalo umanong nangulelat kumpara sa ilang mga kalapit na bansa sa Asya.

Source link

Post Comments