NFA pinayagan na ni Pangulong Duterte na mag-angkat ng bigas

     6 months ago
21
Leave a Comment
5 SHARE

 

Pinayagan na ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-angkat ng karagdagang 250,000 metric tons ng bigas ang National Food Authority o NFA.

Ayon sa ahensya, magagamit ang aangkating bigas bilang pandagdagdag sa buffer stock ng bigas ng NFA.

Una rito, nagpahayag ng pagkabahala ang ahensya at ilang sektor dahil bumaba na lamang sa pang-dalawang araw ang inventory ng NFA rice.

Dahil dito, napilitan ang ahensya na itigil ang pagpapakalat ng NFA rice sa mga pamilihan at accredited retailers upang hindi na magalaw pa ang stock ng bigas ng ahensya.

Kalimitang nag-iimbak ng NFA rice sa mga bodega sa iba’t ibang panig ng bansa upang magamit sa panahon ng kalamidad tulad ng bagyo.

Matapos maaprubahan ng pangulo, agad nang aayusin ng NFA Council ang plano upang agad na makapag-angkat na ng karagdagang 250,000 metric tons ng bigas.

Source link

5 SHARE

Post Comments