Nietes at Viloria handa na sa pagdepensa sa kanilang titulo sa U.S

     2 months ago
14
Leave a Comment
13 SHARE

Handa na sa bakbakan ang dalawang Filipino fighters na sina Donnie “Ahas” Nietes at Brian Viloria matapos sumalang sa ginanap na weigh-in para sa HBO Boxing Superfly 2 Card.

Pasok ang timbang ni Nietes na 111.6 pounds para depensahan ang kaniyang IBF World Flyweight Championship belt kontra kay Juan Carlos Reveco mula sa bansang Argentina.

Samantala, pareho namang 111.4 pounds ang naitalang timbang nina Filipino-American boxer Brian Viloria at ang makakaharap na Ukrainian fighter na si Artem Dalakian para sa bakanteng WBA Flyweight title.

Parehong nangako ang nasabing mga Pinoy boxers na pipilitin nilang mapatulog sa maagang round ang kani-kanilang mga makakalaban.

Gaganapin ang mga boxing match sa araw ng Sabado, oras sa Amerika at bukas, araw naman ng Linggo sa Pilipinas.

Source link

13 SHARE

Post Comments