Nietes-Palicte boxing bout, nauwi sa split draw

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

 

Walang itinanghal na bagong WBO Flyweight World Champion sa paghaharap nina Donnie “Ahas” Nietes at Aston “Mighty” Palicte makaraan ang “split-decision draw.”

Natapos ng dalawang Pilipinong boksingero ang 12 rounds sa Superfly 3 na ginanap sa The Forum, sa Los Angeles, California.

Kapwa nagpakita ng lakas sina Nietes at Palicte.

Pero para sa mga hurado, split draw ang kanilang desisyon.

Sa isang judge, naka-iskor si Palicte ng 116-112, habang ang isang ay 118-110 para kay Nietes at sa pagdating sa ikatlong hurado, 114-114 draw.

Dahil dito, bakante pa rin ang WBO junior flyweight title.

Si Nietes ay may rekord na 41-1-5 sa kanyang professional career sa boxing, samantalang 24-2-1 naman si Palicte.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

0 SHARE

Post Comments