NPA wala nang pinagkaiba sa ISIS ayon kay Duterte

     3 months ago
20
Leave a Comment
13 SHARE

 

Mariing kinondena ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamumugot ng New People’s Army (NPA) sa ulo ng isang militiaman sa Surigao del Sur.

Dahil sa karumal-dumal na ginawa ng NPA, inihalintulad na sila ng pangulo sa teroristang Islamic State of Iraq and Syria o ISIS.

Ayon kay Duterte, wala nang pinagkaiba ang NPA sa ISIS dahil ganitong klase ng hustisya na ang kanilang ipinapairal.

Galit pang tinanong ni Duterte ang mga rebelde kung kailan ba nangyaring pinutulan ng mga sundalo ng kamay o ari ang mga ito.

Noong Miyerkules ay naiulat ang pagpugot sa ulo ni Acebedo Bocales na isang miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU), sa San Miguel, Surigao del Sur.

Si Bocales ay isang dating miyembro ng NPA na sumuko na sa pamahalaan.

Source link

13 SHARE

Post Comments