NU Bulldogs tinalo ang UST Growling Tigers sa UAAP Season 80 men’s volleyball

     5 months ago
28
Leave a Comment
5 SHARE

 

Tinalo ng National University Bulldogs ang University of Santo Tomas Growling Tigers sa kanilang katatapos lamang na tapatan para sa UAAP Season 80 men’s volleyball tournament.

Bagaman naging mabagal ang simula ng Bulldogs ay agad naman nila itong nabawi sa second set. Tinalo nila ang Tigers sa iskor na 18-25, 25-21, 25-18, at 25-18.

Nanguna si Bryan Bagunas ng NU matapos makapagbigay ng 18 puntos at 4 na aces. Sinundan naman siya ni Fauzi Ismail na nakapagtala ng 17 points. Nakatulong rin para sa kanilang pagkapanalo si James Natividad sa kanyang 11 puntos.

Samantala, para sa Tigers, si Arnold Bautista ang nakapagbigay ng pinakamalaking puntos na 14 at sinundan naman ni Joshua Umandal sa kanyang 11 na puntos.

Ngunit nakapagtala rin ng ilang mga attack errors si Umandal na nakatulong para kontrolin ng Bulldogs ang laban.

Source link

5 SHARE

Post Comments