Ombudsman, anyare? sa “Wag Kang Pikon!” ni Jake Maderazo

     2 months ago
28
Leave a Comment
5 SHARE

Simula Enero 2017 hanggang ngayon, umabot na sa higit 80 “celebrated graft at plunder cases” ng Ombudsman ang ibinasura ng Sandiganbayan dahil sa  tinatawag na “legal defense” na  “inordinate delay”. Ayon sa Sandiganbayan, ang may kasalanan dito ay ang “super mabagal” na “prosecution team” ng Ombudsman na nabigong  palakasin ang kanilang  kaso at i-convict ang mga akusado. Kaya depensa nila, nalabag daw ang kanilang “constitutional right to speedy trial”.

Kabilang sa napawalang sala dahil sa “technicality” kahit hindi nilitis ng korte ang mga kaso ay sina ex-GSIS pres. Winston Garcia, ex-Palawan gov. Joel Reyes, Sen. Lito Lapid, Masbate Gov. Antonio Kho, Bacolod Mayor Evelio Leonardio, Bohol Congressman Arthur Yap, Marinduque Cong. Edmundo Reyes Jr., Leyte cong. Jose Carlos Cari, Nueva Ecija Cong. Rodolfo Antonino, Ex-Surigao del Norte gov., Robert Lyndon Barbers, Zamboanga del sur Gov. Aurora Cerilles.

Mahaba ang listahan, P6B Radstock PNCC Debt deal, P782M Bohol undervalued Privatization of Utilities deal, P14.9 M Zamboangq del Sur Solar light anomaly, P13.1 M Surigao del Sur Pork Barrel scam, bukod pa sa P723M fertilizer fund scam at ang mastermind na si dating DA Usec Jokjok Bolante na naabswelto rin ng dalawang beses sa Sandiganbayan.

googletag.cmd.push(function() { googletag.display(‘div-gpt-ad-101403638493506944-4’); });

Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales, hindi raw nauunawaan ng Sandiganbayan ang “limitasyon” ng  kanyang tanggapan, kulang sila sa tao bukod sa mahirap daw humanap ng ebidensya  sa “corruption”. Nagpetisyon siya sa Korte Suprema para kastiguhin ang Sandiganbayan.

Pero, ayon naman kay Associate justice Efren de la Cruz, ang Korte suprema ang nagdoktrina ng pagbibilang ng araw simula sa araw ng “filing”, kasunod ang “fact finding”, preliminary investigation hanggang sa pagsumite nito sa Sandiganbayan. Ang nais ng Ombudsman, baguhin ang pagbilang at dapat daw simula sa “preliminary investigation” hanggang pagsampa ng kaso. Hanggang ngayon, wala pang aksyon dito ang Korte Suprema.

Samantala, apat na buwan na lang ay magreretiro na si Ombudsman Morales ngayong July. At sa kanyang natitirang panahon, meron kaya tayong makita pang pagbabago? Simula noong umupo siya noong 2010, parang nakawala o nakapag-pyansa na yata lahat ng mga pinakulong nila ; PGMA, Enrile, Jinggoy, DA usec. Jokjok  Bolante, Ex Palawan gov. Joel Reyes.  Meron ding alegasyong “selective justice” laban sa kanya. Kamakailan, sinampahan niya ng “usurpation of authority” hindi “homicide” si Pnoy sa Mamasapano massacre, na binaligtad naman ni Solicitor General Jose Calida at kinatigan ng KOrte Suprema. Idagdag pa riyan ang mga naka-pending pang imbestigasyon sa naglalakihang “projects” sa ilalim ng “unconstitutional” DAP at PDAF, at Dengvaxia scandal ng Aquino administration. Apat na buwan na lang, mukhang wala na ring magagawa.

Dito ako nalulungkot na parang nababalewala ang mga pagkagalit noon ng taumbayan sa Fertilizer fund scam, DAP at PDAF cases, at nababaon ang mga kaso  sa’Freezer”. Kapag nai-akyat naman sa Sandiganbayan, ididismis dahil  sa “inordinate delay” o kapalpalkan ng Ombudsman.

Kaya walang nangyayari sa bayan natin, ang mga pangungurakot noong panahon ni Cory, Ramos,Estrada, PGMA, at PNOY, walang napapakulong at nako-“convict”  na bigtime “corrupt” ang Ombudsman natin.

Huwag nang magtaka kung bakit hindi matigil-tigil ang “corruption” sa gobyerno. Ombudsman, puro pasa, puro dribol, larong patalo.

The post Ombudsman, anyare? sa “Wag Kang Pikon!” ni Jake Maderazo appeared first on DZIQ Radyo Inquirer 990AM.

Source link

5 SHARE

Post Comments