P0.35 hanggang P0.60 na dagdag sa presyo ng produktong petrolyo, epektibo na

     7 months ago
24
Leave a Comment
5 SHARE

 

Epektibo na ngayong araw ang panibago na namang pagtataas sa presyo ng mga produkto ng mga kumpanya ng langis.

Magtataas ng 50 centavos sa kada litro ng gasolina ang mga kumpanyang Phoenix, Jetti, Petron, UniOil, SeaOil, Eastern, PTT, Flying V at Shell.

Dagdag 35 centavos naman sa kada litro ng diesel ang ipatutupad ng mga nasabing kumpanya.

Samantala, magtataas din ng 60 centavos ang mga kumpanyang Petron, Shell, Flying V at SeaOil sa halaga ng kada litro ng kanilang kerosene.

Magsisimula ang dagdag presyo sa mga nasabing produkto ng langis alas-6:00 ng umaga, maliban sa Flying V na nauna nang magpatupad kaninang hatinggabi.

Ito na ang ika-anim na sunud-sunod na linggo na nagpatupad ng dagdag singil sa presyo ang mga kumpanya ng langis.

Source link

5 SHARE

Post Comments