P10M halaga ng shabu, nasabat sa condo unit malapit sa Malakanyang; Anak ng “drug queen” na si Yu Yuk Lai, arestado

     9 months ago
258
Leave a Comment
0 SHARE

(UPDATE) Aabot sa P10 milyon halaga ng shabu ang nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang residential area malapit sa Malakanyang.

Naaresto sa naturang operasyon ng PDEA ang isang Diane Yu Uy na natagpuan sa loob ng condominium unit sa Gen. Solano Street sa Barangay San Miguel sa Maynila.

Ilang metro lamang ang layo ng nasabing lugar sa Gate 1 ng Malacañang Palace.

Nakuha mula kay Uy ang dalawang kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P10 milyon.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, isinagawa ang raid sa condominium unit base sa nakuha nilang impormasyon.

Si Uy ay sinasabing anak ng tinaguriang “drug queen” na si Yu Yuk Lai na nakakulong sa Correctional Institute for Women (CIW).

Bago pinuntahan ng PDEA ang bahay ni Uy, sinalakay muna ng pinagsanib na pwersa ng PDEA, SWAT, PNP-LRU at BuCor ang selda ni Yu Yuk Lai alas 4:30 ng madaling araw.

Sa nasabing pagsalakay, nasabat sa kubol ng drug queen ang 27 pantyliners na may palamang mga shabu at samu’t saring bloke ng crystals.

Tinatayang nasa 135 na gramo ang nakuha na nakapalaman sa 27 pantyliners na ang halaga ay nasa P1 milyon.

Habang may nakuha pang hiwalay na 2 kilo ng shabu na may kasamang 19 na tseke na nagkakahalaga ng P4.5M at cash na P100,000 ang nakuhasa selda ni Yu Yuk Lai.

Isang buwan din na isinailalim sa surveillance ang piitan bago isagawa ang pagsalakay.

Tatlong test buy pa ang naganap at nakumpirmang nabibili ang sachet ng shabu na nakapalaman sa pantyliners.

Hinala ng PDEA, si Diane Yu Uy ay operator ng kaniyang ina sa labas ng bilangguan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

0 SHARE

Post Comments