P12 per kilometer hirit ng Uber; Grab P11 pesos naman ang hiling

     6 months ago
17
Leave a Comment
3 SHARE

 

Kapwa may kanya-kanya nang petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang Transport Network Vehicle Service na Uber at Grab.

Sa kanilang petisyon na idinaan sa paunang hearing sa LTFRB kahapon, nais ng Uber na gawing P12 pesos mula sa dating P5 pesos ang singil sa bawat kilometro na itatakbo ng kanilang mga sasakyan.

Paliwanag ng Uber, malaki na ang itinaas ng presyo ng gasolina sa nakaraang mga linggo bunga ng pagbabago sa presyo ng produktong petrolyo sa world market.

Lalo pa itong tumaas nang simulang ipairal ang Tax Reform Law o TRAIN Law sa pagpasok ng taong 2018.

Nauna rito, naghain na rin ng kanilang petisyon ang kumpanyang Grab na humihiling na maging P11 pesos hanggang 15 pesos ang kanilang singil bawat kilometro.

Ayon sa LTFRB, kanilang pinag-iisipan na pagsabayin na lamang ang pagdinig sa petisyon ng dalawang TNVS.

Sa pamamagitan nito, maaring makabuo ng iisang fare structure ang ahensya para sa dalawang petisyon ng Grab at Uber at iba pang TNVS operators.

Source link

3 SHARE

Post Comments