P120-M halaga ng cocaine, narekober sa Matnog, Sorsogon

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Nasabat ang 120 milyon pesos na halaga ng cocaine sa baybayin ng Matnog, Sorsogon.

Nakuha ang isang plastic container na naglalaman pala ng droga sa baybayin ng Juag Lagoon na sakop ng Barangay Calintaan.

Ayon kay Sr. Supt. Marlon Tejada, Sorsogon Police director, posibleng galing sa ibang bansa ang droga at inanod lamang ng malalaking alon.

24 na pakete ng puting powder na tinatayang aabot sa isang kilo bawat isa ang timbang at nakabalot sa brown na packaging tape ang natagpuang palutang-lutang sa dagat.

Ayon kay Tejada, karamihan din aniya ng ini-import sa bansa ay shabu dahil mas mura ito kumpara sa cocaine.

Dagdag pa ni Tejada, posibleng itinapon o inihulog lamang sa dagat ang narekober na droga.

 

Source link

0 SHARE

Post Comments