P6M shabu nasabat sa Cebu

     5 days ago
24
Leave a Comment
6 SHARE

Arestado ang isang high value target na tulak ng iligal na droga sa Cebu City matapos magkasa ng buy bust operation ang mga pulis.

Narekober mula sa 27 taong gulang na drug suspek ang kalahating kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P6 milyon.

Ayon sa mga otoridad, isang buwan nilang isinailalim sa surveillance ang suspek upang matiyempuhan ang kanyang mga iligal na transaksyon.

Ngunit depensa ng suspek, hindi sa kanya ang nasabat na iligal na droga. Giit nito, inutusan lamang siya na dalhin ang limang malalaking pakete at babayaran siya ng P500 kapalit ng serbisyo.

Bagaman inaalam pa ng mga otoridad kung sino ang supplier ng droga at ang sinasabing nag-utos sa suspek, ay mahaharap pa rin ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

6 SHARE

Post Comments