‘Paanong gugunitain ang pagpapatalsik sa diktador kung ipinalibing ito sa Libingan ng mga Bayani?’-Taguiwalo

     2 months ago
23
Leave a Comment
0 SHARE

 

“Paano mo gugunitain ang pagpapatalsik sa isang diktador kung ikinukunsidera nila itong bayani?”

Ito ang naging pahayag ni dating Social Welfare Judy Taguiwalo sa pagtungo nito at ng ilan pang mga biktima ng martial law sa Mendiola kahapon kasabay ng EDSA People Power Anniversary.

Tinutukoy ni Taguiwalo ang biglaang pagpapalibing sa Libingan ng mga Bayani sa labi ni dating pangulong Ferdinand Marcos noong Nobyembre 2016.

Naganap ang pagpapalibing kay Marcos ilang buwan matapos na maupo sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasabay nito, kinastigo rin ni Taguiwalo si Assistant Secretary Mocha Uson dahil sa naging mensahe nito sa social media na ‘drama’ lamang at ‘propaganda’ ang mga pangyayari noong EDSA revolt.

Giit nito, isa siya sa mga nakulong noong panahon ng martial law at personal niyang naranasan ang paghihirap sa ilalim ng Marcos dictatorship.

Isa aniyang pagmamaliit sa mga pinaghirapan ng mga nagsumikap na maibalik ang kalayaan sa bansa ang mga binibitiwang pahayag ni Uson.

Hindi aniya ‘fake news’ ang EDSA People Power revolution, dagdag pa ni Taguiwalo.

Matatandaang naging dating kalihim ng DSWD ng administrasyong Duterte si Taguiwalo ngunit hindi ito nakalusot sa Commission on Appointments.

Source link

0 SHARE

Post Comments