Pacman, dumating na sa Malaysia para sa kanyang laban

     2 months ago
26
Leave a Comment
11 SHARE

Dumating na kagabi sa Kuala Lumpur, Malaysia si Pambansang Kamao Manny Pacquiao, anim na araw bago ang kanyang laban kay Lucas Matthysse.

Isang chartered flight mula General Santos City ang sinakyan ng Team Pacquiao.

Matatandaang noong nakaraang taon pa huling lumaban sa boxing si Pacman kung saan tinalo siya ni Jeff Horn sa pamamagitan ng unanimous decision. Sa nasabing tapatan binitawan ni Pacquiao ang kanyang WBO title belt.

Kaya naman sa kanyang gaganaping laban ni Pacquiao kontra kay Matthysse ay plano nitong bawiin ang kanyang championship status at kanyang dedepnsahan ang WBA title.

Nauna nang dumating sa Kuala Lumpur si Matthysse upang masanay ang kanyang katawan sa maalinsangang panahon.

Magaganap ang tapatang Pacquiao-Matthysse sa July 15, araw ng Linggo, sa Axiata Arena.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

11 SHARE

Post Comments