Pacquiao at Matthysse pasok sa 147lbs welterweight limit

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Handa na ang lahat para sa nalalapit na world class welterweight boxing showdown sa pagitan nina eight division world champion Manny Pacquiao at reigning WBA (Regular) Welterweight World Champion Lucas Matthysse pagkatapos ang kanilang weigh-in para sa kanilang laban bukas sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Pasok ang timbang ni eight division world champion at challenger na si Pacquiao na 146 lbs samantalang pumalo naman sa 146.7 lbs ang timbang ng kampeon mula sa Argentina na si Lucas Matthysse, na dedepensahan ang kanyang titulo sa unang pagkakataon.

Mayroong 147 pounds weight limit ang welterweight division na kanilang paglalabanan.

Sumalang rin sa weigh-in ang Pinoy boxer na si Jhack Tepora, na may timbang na 126.5-lbs. para sa kanyang laban sa WBA Featherweight World Championship laban sa pambato ng Mexico na si Edivaldo Ortega, na may timbang na 125.4-lbs.

Ginawa ang weigh-in kaninang ng umaga sa Malaysia International Trade & Exhibition Centre sa Kuala Lumpur.

Magaganap ang bakbakan sa pagitan nina Manny Pacquiao at Lucas Matthysse para sa WBA (Regular) Welterweight World Championship sa Fight of Champions sa darating na July 15, Linggo sa Axiata Arena Kuala Lumpur, Malaysia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

0 SHARE

Post Comments