Pacquiao, kumpiyansang mananalo sa laban vs Matthyse

     2 months ago
49
Leave a Comment
13 SHARE

Kumpiyansa si Fighting Senator Manny Pacquiao na mananalo sa nalalapit na laban matapos ang limang rounds ng sparring sa kanyang closed-door training sa General Santos City.

Kinakailangan na lang ng 8-division world champion na manatiling tutok at handa sa WBA world welterweight title match kontra kay Argentine boxer Lucas Matthyse.

Ayon sa lead trainer na si Buboy Fernandez, si Pacquiao mismo ang nagsabi na masaya siya sa resulta ng isinasagawang pagsasanay lalo na’t puro Pilipino ang kasama sa team.

Maliban kay Buboy, kasama rin sa team ni Pacquiao ang kaniyang kapatid na si Haplas, Nonoy Neri, Jonathan Peñalosa, Ting Arriosa at Nonito Donaire Sr.

Sinabi pa ni Buboy na malaking tulong ang kooperasyon ni Australian strength and conditioning coach Justin Fortune para kay Pacquio at sa team.

Nakatakda ang labanang Pacquiao-Matthyse sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur sa darating na July 15.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

13 SHARE

Post Comments