Pag-aalis sa deployment ban sa Kuwait, epektibo na agad ayon sa DOLE

     3 months ago
17
Leave a Comment
8 SHARE

Pormal nang inialis ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang deployment ban sa Kuwait.

Ito ay matapos ang pag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Labor Secretary Silvestro Bello III na tanggalin na ang pagbabawal ng pagpapadala ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa naturang arab state.

Matapos ang paglagda sa department order na nag-aalis sa ban, sinabi ni Bello na ‘effective immediately’ ito at pwede nang umalis agad ang OFW papuntang Kuwait basta kumpleto ang kanyang mga papeles.

Anya pa, pinakamaagang maaring umalis na agad ang mga OFW mula ngayong araw ng Biyernes.

Sinabi pa ng kalihim na mayroong 5,000 OFWs ang nakarakdang ideploy na sa Kuwait habang 15,000 ang pinoproseso na ang mga papeles sa kasalukuyan.

Napahanga umano ang pangulo sa naging ‘goodwill gesture’ ng gobyerno ng Kuwait sa paglagda sa kasunduan para sa Pinoy workers at ginagawang hakbang para bigyan ng hustisya si Joanna Demafelis.

“The President was impressed with the goodwill gesture shown by the Kuwaiti government when they agreed to sign the Memorandum of Understanding (MOU) and gave justice to Joanna Demafelis,” ani Bello.

Source link

8 SHARE

Post Comments