Pag-aarmas sa ROTC grads vs terorismo, naaayon sa batas – Palasyo

     2 months ago
12
Leave a Comment
7 SHARE

Binigyang-diin ng Malacañang na puwede at walang paglabag sa batas ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na binabalak nitong armasan ang mga tapos ng Reserved Officers Training Corps (ROTC) para ilaban sa terorismo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nasa batas naman talaga na ang Armed Forces of the Philippines ay may auxiliaries, kasama na ang mga ROTC graduates at CAFGU na tinatawag na force multipliers.

Ayon kay Sec. Roque, kaya kung may panibagong banta gaya ng terorismo, maaari talagang bigyang armas ang mga reservist para katuwang ng mga nasa aktibong serbisyo para lumaban.

Sa ngayon aniya kasi ay iba na ang sitwasyon at kakaibang giyera na ang kinakaharap ng bansa o ng mundo.

“Nasa batas naman po iyan na talagang ang Hukbong Sandatahan ay merong mga auxiliaries, kasama na diyan iyong reservists at saka iyong mga ibang auxiliaries na tinatawag natin. Hindi nga lang po iyan ROTC, pati iyong mga CAFGU at saka iyong mga iba pang mga auxiliaries, ang tawag po diyan ay force multiplier,” ani Sec. Roque. “So talaga naman pong kapag meron talagang banta, lalo na nanggagaling sa itong bagong animal na terorismo na talagang ito po ay bagong form ng giyera na talagang hindi akma iyong ating mga umiiral na mga batas na pang-international ano, talaga namang obligasyon ng lahat na dipensahan ang estado at siyempre maasahan naman natin ang mga reservists at saka iyong ROTC graduates pagdating diyan.”

Source link

Post Comments