Pag-aresto kay Baylosis hindi ‘crackdown’ vs communists – Bello

     6 months ago
20
Leave a Comment
3 SHARE

Mariing itinanggi ni government chief negotiator at Labor Sec. Silvestre Bello III na isang “crackdown” sa komunistang grupo ang pagkakaaresto kay Rafael Baylosis na consultant sa National Democratic Front (NDF) negotiating panel.

Sinabi ni Sec. Bello, malabong “crackdown” ang pag-aresto dahil may kinakaharap na kaso at arrest warrant si Baylosis.

Ayon kay Bello, nabigyan lamang ng pansamantalang kalayaan ang mga consultant dahil sa paritispasyon nila sa peace talks na nakansela na.

Kaya dahil kanselado na ang peace talks, wala ng dahilan para magamit pa nila ang joint agreement on security and immunity guarantee (JASIG) at dapat na silang maibalik sa kulungan.

Si Baylosis at kasamang si Guillermo Roque ay naaresto noong Miyerkules ng hapon sa Quezon City dahil sa illegal possession of firearms.

Source link

Post Comments