‘Pag-aresto ng marami pang NDF consultants, aasahan’ – gov’t

     2 months ago
9
Leave a Comment
3 SHARE

Inaasahan pa umano ang pagkakaaresto ng marami pang consultants ng National Democratic Front (NDF) maliban kay Rafael Baylosis na naaresto sa Quezon City kamakailan.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni government chief negotiator at Labor Sec. Silvestre Bello III, nasa 19 na NDF consultants ang nabigyan ng pansamantalang kalayaan at nasaklaw ng joint agreement on security and immunity (JASIG) para sumali sa peace negotiations.

Ayon kay Sec. Bello, dahil nakansela na ang peace talks sa mga komunista, wala ng dahilan para iiral pa ang JASIG at manatili pa ang mga consultants sa labas ng kulungan.

Muli ding iginiit ni Bello na walang ginagawang “crackdown” ang gobyerno sa mga rebelde o komunista, bagkus pagpapatupad lamang ito ng batas.

Source link

Post Comments