Pag-armas sa ROTC grads vs terorista, pinag-iisipan ni Duterte

     2 months ago
10
Leave a Comment
0 SHARE

Ikinokonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng armas sa mga nakatapos ng Reserve Officers Training Corps (ROTC) at mga military reservists bilang bahagi ng hakbang laban sa terorismo.

Sinabi ni Pangulong Duterte, gagawin niya ang pag-aarmas sa mga ito sa oras na lumala ang terorismo sa bansa.

Ayon sa commander-in-chief, sa ngayon ay wala pa naman siyang planong magbigay ng armas sa mga ROTC graduates at reservists dahil mapupunta lang ito sa mga NPA.

Inihayag pa ni Pangulong Duterte, posible kasing nagpapalakas ng pwersa ang mga natitirang terorista para muling sumalakay sa Mindanao kaya dapat itong paghandaan ng gobyerno.

“In the meantime, you can buy the .22 and the shotgun. It’s a good defense weapon, pambahay lang muna. Worse comes to worst, the first thing that I will do is to arm the ROTC and the reservist, and after that the civilian. ‘Wag muna ngayon kasi kukunin lang ‘yan ng NPA eh. They will just surround you on evening, five of them and they would go and say, “give me your gun.” And if you are in with your family in a house, there’s about, really, nothing you can do,” ani Pangulong Duterte.

Source link

Post Comments