‘Pag-ban sa Rappler sa pres’l coverages, utos mismo ni Duterte’

     6 months ago
23
Leave a Comment
21 SHARE

Wala pang kategorikal na paliwanag ngayon ang Malacañang sa tuluyan nang pagbabawal ni Pangulong Rodrigo Duterte sa reporter ng online news agency na Rappler sa pagko-cover sa kanyang mga aktibidad.

Una nang kinumpirma ng Internal House Affairs Office (IHAO) na mismong si Pangulong Duterte ang nag-utos na huwag papasukin si Pia Rañada sa Palasyo ng Malacañang.

Napag-alamang lahat ng aktibidad ni Pangulong Duterte, loob man o labas ng Palasyo ay bawal na ang Rappler reporter.

Inihayag din umano ni Deputy Executive Secretary for Legal Affairs Menardo Guevarra na hangga’t walang temporary restraining order (TRO) mula korte sa pag-revoke ng Securities amd Exchange Commission (SEC) sa lisensya ng Rappler, nananatiling kanselado ang accreditation ng Rappler reporter na mag-cover sa mga Presidential events.

Maipabatid na ang nagbibigay ng accreditation sa pag-cover ng media sa Malacañang at sa pangulo ay Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Source link

Post Comments