Pag-review sa BBL, tatalakayin din sa ConCom – ex-CJ Puno

     2 months ago
8
Leave a Comment
0 SHARE

Prayoridad din umano ng binuong consultative committee (con-com) ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagrepaso sa Bangsamoro Basic Law (BBL).

Una rito, sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na posible umanong mapagtibay ang BBL sa darating na Marso.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno na siyang chairman ng con-com, sinabi nito na maaantala lamang umano ang paglusot ng BBL kung makuwestiyon din ang ilang probisyon nito sa Korte Suprema.

“Alam niyo kung halimbawa ‘yang tinitingnan nila ngayong Bangsamoro [Basic] Law ay may kinukuwestiyong mga probisyon na ayon sa iba ay hindi naayon sa ating Konstitusyon, eh ang mangyayari niyan ay kukuwestiyunin na naman ‘yan sa Korte Suprema kaya lalo lamang maantala ang pagpapatibay niyan,” wika ni Puno.

Sinabi rin ni Puno na sakaling mapalitan na ang sistema ng gobyerno mula unitary patungong pederalismo, wala na umanong magiging problema ang mga kapatid na Muslim sa gagawing estado para sa kanila.

“Ngunit kung tayo ay nag-shift na sa federal government, wala pong kaduda-duda na ‘yung gagawing estado para sa ating Muslim brothers ay beyond the constitutional attack,” paliwanag ng dating punong mahistrado.

Source link

Post Comments