Pagbasa ng bagong kaso sa grupo ni Ex-PNoy ipinagpaliban ng Sandiganbayan

     2 months ago
8
Leave a Comment
20 SHARE

Pagbasa ng sakdal laban kina dating pangulong aquino ngayong araw kinansela ng Sandiganbayan

Ipinagpaliban ng Sandiganbayan 4th Division ang arraignment at pre-trial na nakatakda ngayong araw laban kay dating Pangulong Benigni Aquino III kaugnay sa Mamasapano incident noong 2015.

Base sa resolution ng anti-graft court na pirmado nina Sandiganbayan Associate Justices Alex Quiroz, Reynaldo Cruz at Bayani Jacinto pansamantalang kinansela ang pagbasa ng sakdal kina Aquino, dating PNP Chief Alan Purisima at dating SAF Director Getulio Napeñas.

Inilabas ng Sandiganbayan ang desisyon matapos na magpalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema batay sa petisyon ni Solicitor General Jose Calida na dapat ay mas mabigat ang kasong reckless imprudence resulting to homicide ang isinampa ng Ombudsman.

Sina Aquino, Purisima at Napeñas ay nahaharap sa mga kasong graft at usurpation of official functions matapos na ipag-utos ni Aquino sa noo`y suspendidong si Purisima ang operasyon na Oplan Exodus para tugisin ang mga teroristang sina Zulkifli Bin Hir alyas Marwan at Abdul Basit Usman.

Sa nasabing operasyon 44 na SAF commandos ang namatay.

Source link

20 SHARE

Post Comments