Pagbasa ng sakdal vs Aquino sa Mamasapano encounter, pinigil ng SC; SolGen, natuwa

     7 months ago
25
Leave a Comment
7 SHARE

Hindi na matutuloy ang nakatakdang pagbasa ng sakdal laban kay Pangulong Noynoy Aquino matapos pagbigyan ng Korte Suprema ang hiling ni Solicitor General Jose Calida na mag-isyu ang Sandiganbayan ng temporary restraining order (TRO) para sa proceedings sa graft at usurpation case na isinampa laban sa dating pangulo.

Ito ay may kaugnayan pa rin sa Mamasapano encounter na ikinamatay ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) ng PNP sa Mamasapano, Maguindanao noong 2015.

Kasama ni Aquino na hindi na babasahan ng sakdal sina dating Philippine National Police (PNP) Chief Alan Purisima at dating PNP-SAF Director Getulio Napeñas.

Sa tatlong pahinang kautusan, inatasan na ng Supreme Court (SC) ang Sandiganbayan na mag-isyu ng TRO effective immediately.

Pirmado ito ni Supreme Court First Division Clerk of Court Edgar Aricheta.

Kasama rin sa pinigil ng Korte Suprema ang pagpapatupad ng resolusyon ng Office of the Ombudsman na nagbasura sa reklamong reckless imprudence resulting in multiple homicide na inihain laban kina Aquino kaugnay sa madugong bakbakan na naganap noong Enero 25, 2015.

Una rito, sa apela ni Calida, sinabi nito na sa oras na matuloy ang pagbasa ng sakdal ay mawawalan na ng karapatan ang mamamayan na mausig sa tamang kaso sina Aquino.

Ito ay dahil hindi na maaring maihabol ang paghahain ng kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide na mas akmang reklamo na dapat na naisampa sa mga akusado.

Pinuri at ikinatuwa naman ni Calida ang desisyon ng Korte Suprema na pigilin ang nakatakdang pagbasa ng sakdal kina Aquino, Purisima at Napeñas.

Ayon kay Calida, ang kautusan ng SC ay pangunahing hakbang para mahabol ang mga responsable sa pagkamatay ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) ng PNP sa Mamasapano, Maguindanao noong 2015.

“I commend the Supreme Court for granting the TRO and upholding the sacred duty of the State to prosecute crimes. This is the first step to hold those responsible for the senseless killing of the SAF44,” wika ni Calida.

Source link

Post Comments